Mahigit 300,000 residente, inilikas dahil sa Bagyong #Rolly – NDRRMC

Photo grab from Chona Yu’s video

Itinama ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang inilabas na bilang ng mga inilikas dulot ng Typhoon Rolly.

Sa press briefing, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nasa kabuuang 346,993 indibidwal o 96,000 pamilya ang inilikas.

Humingi ng paumanhin si Jalad sa unang napaulat na nasa 1 milyon na umano ang bilang ng evacuees.

“Ako ay humihingi ng paumanhin doon sa discrepancy ng report kagabi hindi naman sinadya iyon. Siguro na-mistook ko ‘yung figures reported,” pahayag ni Jalad.

Sa 96,000 pamilyang inilikas, 2,420 pamilya ang nasa Metro Manila; 88 sa CAR; 1,958 sa Central Luzon; 3,266 sa CALABARZON; 87,908 sa Bicol habang 903 naman sa Eastern Visayas.

Read more...