EDSA busway, sinuspinde dahil sa Bagyong #RollyPH

Sinuspinde ang EDSA busway sa araw ng Linggo, November 1.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ito ay dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng Bagyong Rolly.

Maliban dito, sinabi ng kagawaran na nakataas sa Storm Signal no. 4 ang National Capital Region (NCR).

Nagsimulang isuspinde ang operasyon bandang 1:00 ng hapon.

Read more...