Pangulong Duterte, naka-monitor sa bagyong #RollyPH
Nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng bagyong Rolly.
Ito ay kahit nasa Davao City ang Pangulo.
Ayon kay Senador Bong Go, minomonitor nila ni Pangulong Duterte ang lagay ng mga residenteng maapektuhan ng bagyo.
Inatasan na aniya ng Pangulo ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na maging alerto at maging handa sa pagresponde sa mga pangangailangan ng mga residente.
Halimbawa na aniya ang Department of Public Works and Highways na mangangasiwa sa kumpuni sa mga masisirang tulay at kalsad, ang Department of Energy para sa suplay ng kuryente, search and rescue operation at iba pa.
May mga nakahanda na aniyang relief at financial assistance ang Department of Social Welfare and Development.
Mahalaga aniya na matapos ang bagyo, nararapat na maibalik agad sa normal ang sitwasyon.
Pinatitiyak naman ni Go sa local government units na sapat ang mga evacuation center at nasusunod ang health protocols kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.