Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, ganap na nakapasok ng teritoryo ng bansa ang bagyo bandang 8:00 ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,365 kilometers Silangan ng Central Luzon bandang 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa diresksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Sa ngayon, wala pang lugar na nakataas sa Storm Signal.
Ayon sa PAGASA, kikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran hanggang Lunes ng gabi, November 2, at unti-unting kikilos sa direksyong west-southwest sa Martes, November 3.