Tropical Storm #SionyPH, nasa loob na ng bansa
Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Siony.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, ganap na nakapasok ng teritoryo ng bansa ang bagyo bandang 8:00 ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,365 kilometers Silangan ng Central Luzon bandang 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa diresksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Sa ngayon, wala pang lugar na nakataas sa Storm Signal.
Ayon sa PAGASA, kikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran hanggang Lunes ng gabi, November 2, at unti-unting kikilos sa direksyong west-southwest sa Martes, November 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.