Presyo ng gasolina mahigit P38 na ulit, ang diesel nasa P24 kada litro
Dahil sa big-time oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong umaga, lumobo na muli ang presyo ng gasolina at diesel.
Sa monitoring ng Radyo Inquirer, sa branch ng Shell sa Main Avenue sa EDSA, ang presyo ng diesel ay P23.52 kada litro, ang gasolina ay nasa P37.18 ang pinakamura at P42.20 ang pinakamahal depende sa klase.
Sa Main Avenue branch din ng Petron, ang presyo ng kada litro ng diesel ay P23.52 din, ang Turbo diesel ay P26.77 habang ang gasolina ay P37.18 hanggang P38.98 depende sa klase.
Sa branch ng Caltex sa Timog Avenue sa Quezon City, ang diesel ay P23.92 kada litro, at ang gasolina naman ay nasa P37.75 hanggang P39.88 ang presyo.
Sa Maynila, ang branch ng Petron sa Otis, Paco, ay P24.62 ang presyo ng kada litro ng diesel at P38.63 naman ang gasolina.
Ang Caltex sa Quirino Avenue, Pandacan branch ay P23.84 ang Diesel at P38.54 ang gasolina.
Habang ang presyo naman sa Shell sa Ramon Magsaysay Blvd., malapit sa kanto ng Pureza, Sta. Mesa ay P23.65 ang kada litro ng diesel at P36.50 ang gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.