Mga stranded na pasahero sa mga pantalan, halos 2,000 na
Umabot na sa halos 2,000 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Rolly.
Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (November 1), na-stranded ang 1,960 pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Southern Tagalog, National Capital Region, Bicol region at Eastern Visayas.
Maliban dito, stranded din ang 83 vessels, 119 motorbancas at 846 rolling cargoes.
Sinabi ng ahensya na moderate sea condition ang nararanasan sa Southern Tagalog, NCR at Eastern Visayas habang extremely rough sea condition naman sa Bicol.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.