Yumanig ang magnitude 3 na lindol sa Sultan Kudarat, Sabado ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers Northeast ng Columbio.
Tumama ang pagyanig dakong 5:19 ng hapon.
May lalim itong 2 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Koronadal City.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Columbio at mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.