#RollyPH, napanatili ang lakas; Mga lugar na nakataas sa Signal no. 3, nadagdagan pa

Napanatili ang lakas ng Typhoon Rolly, ayon sa PAGASA.

Sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 345 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes dakong 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 265 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Southwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3:
– Catanduanes; Eastern portion ng Camarines Sur (Cabusao, Libmanan, Pasacao, Pamplona, Magarao, Bombon, Calabanga, Canaman, Camaligan, Gainza, Naga City, Milaor, San Fernando, Minalabac, Pili, Ocampo, Baao, Bula, Balatan, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Sagnay, Tigaon, Goa, Tinambac, Siruma, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan); Albay

Signal no. 2:

Luzon
– Bulacan; Rizal; Metro Manila; Laguna, Cavite; Batangas; Quezon kabilang ang Polillo Islands; Camarines Norte; Rest of Camarines Sur; Sorsogon,
Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands; Marinduque; Romblon; Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island

Visayas
– Northern Samar; northern portion ng Samar (Hinabangan, Paranas, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, San Jose de Buan, San Jorge, Tarangnan, Gandara, Santa Margarita, Matuguinao, Calbayog City, Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Pagsanghan); northern portion ng Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Signal no. 1:

Luzon
– Pampanga; Bataan; Zambales; Tarlac; Nueva Ecija; Aurora; Pangasinan; La Union; Southern portion ng Ilocos Sur (Quirino, Gregorio Del Pilar, Salcedo, San Emilio, Candon City, Galimuyod, Santa Lucia, Cervantes, Sigay, Santa Cruz, Suyo, Tagudin, Alilem, Sugpon); Mountain Province; Benguet; Ifugao; Nueva Vizcaya; Quirino; Central at southern portions ng Isabela (Mallig, Quirino, Ilagan, Roxas, San Manuel, Burgos, Gamu, Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Angadanan, Alicia, San Isidro, Ramon, Santiago City, Cordon); Calamian Islands

Visayas
– Rest of Eastern Samar; Rest of Samar; northern portion ng Leyte (Leyte, Tabango, San Isidro, Calubian, Capoocan, Carigara, Tunga, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City); northwestern portion ng Aklan (Numancia, Lezo, Makato, Tangalan, Ibajay, Nabas, Malay, Buruanga, Kalibo); northwestern portion ng Antique (Libertad, Pandan)

Ayon sa PAGASA, inaasahang dadaan ang sentro ng bagyo sa Catanduanes – mainland Camarines Provinces area, Linggo ng umaga (November 1),  habang sa mainland Quezon sa Linggo ng hapon.

Mararanasan ang violent winds at intense rainfall sa Catanduanes, Camarines Provinces simula Linggo ng madaling-araw hanggang hapon habang sa Quezon naman ay simula hapon hanggang gabi.

Matapos dumaan sa Southern Luzon – Metro Manila area, sinabi ng PAGASA na lalabas ng mainland Luzon landmass ang bagyo sa Lunes ng madaling-araw, November 2.

Mananatili ang bagyo sa ‘typhoon category’ bago mag-landfall.

Babala ng weather bureau, sa araw ng Sabado, magdadala ang outer rainbands of “ROLLY” ng light to moderate na kung minsan ay heavy rains sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Simula sa Linggo ng madaling-araw, asahan na ang heavy to intense rains sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Zambales, Bataan, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Moderate to heavy rains naman na kung minsan ay intense rains ang iiral sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, lalo na sa eastern sections ng Northern at Central Luzon.

Read more...