Evacuation site sa Tondo, Maynila inihahanda na
Inihahanda na ang evacuation site sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay sakaling kailanganin ang paglikas sa ilang residente na maaapektuhan ng Typhoon Rolly.
Nakahanda na bilang evacuation site ang covered court sa bahagi ng Barangay 128.
Nasa 32 partition tents ang inilatag ng mga kawani ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa naturang lugar.
Maliban dito, inihanda na ang dalawang polyvinyl chloride (PVC) boats ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Baseco Evacuation Center.
Ayon sa MDRRMO, maaaring gamitin ang rescue boats sa open water o flash flood rescue operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.