Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (October 31), umabot na sa 380,729 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 42,462 o 11.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,803 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.3 porsyento ang asymptomatic; 1.9 porsyento ang severe habang 3.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 36 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,221 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 606 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 331,046 o 87.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.