Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,592 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (October 31).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 940 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
21,001 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 651 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,605 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES