Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.19 milyon na

Pumalo na sa mahigit 1.19 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,193,909 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 235,159.

Sumunod na rito ang Brazil na may 159,562 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 121,681 naman ang death toll sa India habang 91,289 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 46,229
– Italy – 38,321
– France – 36,565
– Spain – 35,878
– Iran – 34,478
– Peru – 34,411
– Colombia – 31,135
– Argentina – 30,792
– Russia – 27,656

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 45,921,698 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 33,252,218 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...