Camarines Sur, Catanduanes makararanas na ng pag-ulan

Nagbabala ang PAGASA na makararanas na ng pag-ulan sa ilang lalawigan sa Bicol region.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA bandang 11:00, Sabado ng umaga (October 31), ito ay dulot ng Typhoon Rolly.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na hangin sa Camarines Sur at Catanduanes sa susunod na isa hanggang tatlong oras.

Posible ring makaranas ng nasabing lagay ng panahon ang iba pang mga kalapit na lalawigan nito.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...