#RollyPH, napanatili ang lakas habang papalapit sa Bicol
Napanatili ang lakas ng Bagyong Rolly at nasa ‘typhoon’ category pa rin, ayon sa PAGASA.
Sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 480 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 265 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Southwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Catanduanes
Signal no. 2:
– Central at southern portions ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Lopez, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez) kabilang ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Burias at Ticao Islands
– Marinduque
– Northern Samar
Signal no. 1:
– Nalalabing bahagi ng Masbate
– Nalalabing bahagi ng Quezon
– Rizal
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Romblon
– Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
– Oriental Mindoro
– Metro Manila
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Aurora
– Pangasinan
– La Union
– Benguet
– Ifugao
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Southern portion ng Isabela (Aurora, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Angadanan, Alicia, Cauayan City, Cabatuan, San Mateo)
– Northern portion ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao)
– Northern portion ng Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
– Biliran
Ayon sa PAGASA, inaasahang dadaan ang sentro ng bagyo malapit sa Catanduanes, Calaguas Islands, at mainland Camarines Provinces, Linggo ng umaga (November 1), habang sa Polillo Islands at mainland Quezon naman sa Linggo ng hapon.
Mararanasan ang violent winds at intense rainfall sa Catanduanes, Camarines Norte, at northern portion ng Camarines Sur simula Linggo ng madaling-araw hanggang hapon habang sa Quezon at southern portion ng Aurora, simula hapon hanggang gabi.
Matapos dumaan sa Central Luzon, sinabi ng PAGASA na lalabas ng mainland Luzon landmass ang bagyo sa Lunes ng umaga, November 2.
Dagdag pa nito, mananatili ang bagyo sa ‘typhoon category’ habang malapit sa Bicol Region at bago mag-landfall sa Quezon.
Babala ng weather bureau, simula Linggo ng madaling-araw, asahan ang heavy to intense rains sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, Marinduque, at northern portions Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Moderate to heavy rains naman ang iiral sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Romblon, at nalalabing partr ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Samantala, bandang 10:00 ng umaga, huli namang namataan ang Tropical Depression “ATSANI” sa 1,655 kilometers East ng Southern Luzon sa labas ng bansa.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h at pagbugsong 70 km/h.
Tinatahak nito ang direksyong northwestward sa bilis na 25 km/h.
Inaasahang papasok ito ng bansa sa Linggo ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.