Tiniyak ni Senator Christopher Go na hindi maaantala ang pagpapalabas ng mga pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ginawa ni Go ang pagtitiyak matapos maglabas ang Budget Department ng P77.98 bilyon sa iba’t ibang ahensiya.
Ibinahagi nito na tiniyak sa kanya ni Budget Sec. Wendell Avisado na inaaksiyonan nila ang lahat ng budget requests at hindi maantala ang pagpapalabas ng pondo kung kumpleto na ang budgetary requirements.
Ngayon naipalabas na ang kinakailangan pondo, ayon kay Go, wala ng dahilan pa ang mga kinauukulang ahensiya para hindi nila maipatupad ang kani-kanilang mandato sa pakikipaglaban sa COVID 19.
Napaglaanan ang Bayanihan 2 ng P140 bilyon at may standby fund pa na P25.5 bilyon.
MOST READ
LATEST STORIES