Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 43 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-7:37 gabi ng Biyernes (October 30).

May lalim na 55 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...