Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nadagdagan pa  

By Mary Rose Cabrales October 30, 2020 - 07:00 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Biyernes, October 30, 5PM), nasa 4,442 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 68.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 151.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,661 na.

Samantala ang bilang ng probable ay 363 habang 91 naman ang suspected.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, coronavirus, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.