Abo ng mga namayapa maaring pabendisyunan sa Manila Cathedral sa Nobyembre 1 at 2
Magkakaroon ng pagbendisyon sa Manila Cathedral sa mga abo ng mga namayapa sa Linggo, Nobyembre 1 at Lunes, Nobyembre 2, na Araw ng Kaluluwa.
Sa abiso na inilabas ng Manila Cathedral, apat na Banal na Misa ang iseselebra sa Nobyembre 1, alas-8 at 10 ng umaga, na susundan sa alas-4 ng hapon, bago sa ala-6 ng gabi.
Sa susunod na araw naman ay may Misa ng alas-7 ng umaga at alas-12:10 ng hapon.
Ang Blessed Souls Chapel sa loob ng katedral at bukas maghapon sa Linggo at Lunes para sa mga nais mag-alay ng Misa para sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay at para din makapag-alay ng kandila.
“Offer Mass intentions and light votive candles for the faithful departed at the Blessed Souls Chapel. Families may come with the urn of their beloved dead to be blessed every after Mass,” ayon pa rin sa abiso.
Ipinag-utos ng gobyerno ang pagsara sa mga libingan para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao nang hindi magkahawaan ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.