Typhoon Rolly lumakas pa; Signal Number 1 itinaas sa Catanduanes
Lumalakas pa ang Typhoon Rolly habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 980 kilometers east ng Casiguran, Aurora.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng bagyo ay tatama sa Aurora-Quezon area sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.
Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes.
Ngayong gabi hanggang bukas ng umaga, ang trough bagyo ay magpapaulan sa Bicol Region, Eastern and Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Batanes, Cagayan, Isabela.
Simula bukas hanggang Linggo, maghahatid ito ng heavy to intense rains sa Northern at Central Luzon at sa Bicol Region.
Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.