LOOK: Manila CDRRMO naghahanda na sa posibleng pananalasa ng Typhoon Rolly

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 04:30 PM

Inihahanda na ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga gamit nito na kakailanganin sakaling manalasa si Typhoon Rolly.

Nagsagawa na ng misting at fogging operation sa Rosauro Almario Evacuation Center na gagamitinng pasilidad sakaling mayroong mga pamilyang kailangang ilikas.

Itinayo na din ang mga tent na pansamantalang sisilungan ng mga evacuee.

Kasama din sa inihanda ang mga clearing toll na gagamitin sa sandaling may mga punong magtutumbaha at hahambalang sa kalsada.

Nakahanda na rin ang rescue boats ng MDDRMO para sa open water rescue.

 

 

 

 

TAGS: disaster preparedness, manila, Manila CDRRMO, RollyPH, disaster preparedness, manila, Manila CDRRMO, RollyPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.