BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 378,933

Mahigit 1,400 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (October 30), umabot na sa 378,933 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 41,291 o 10.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,442 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.1 porsyento ang asymptomatic; 2 porsyento ang severe habang 3.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 38 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,185 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 636 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 330,457 o 87.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

Read more...