Ilan pang oil companies, nag-anunsyo na rin ng dagdag presyo

 

(UPDATE) Nag-anunsyo na rin ng kani-kanilang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, March 15.

Epektibo alas sais ng umaga mamaya, may dagdag ang Shell, SEAOIL, PTT at Phoenix Petroleum na P1.60 sa kada litro ng Gasolina, habang P1.25 naman sa kada litro ng Diesel.

P1.15 sa kada litro naman ng Kerosene ang itataas ng Shell at SEAOIL na epektibo rin sa parehong oras.

Pareho rin naman ang halaga ng dagdag presyo sa mga produkto ng Flying V, ngunit epektibo na ang kanilang price hike kanina pang 12:01 ng hatinggabi.

Dahil sa nasabing big-time oil price hike, nabalewala na ang naibawas na presyo sa produktong petrolyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis mula noong January 2016.

Noong nakaraang Martes, March 8, nagpatupad din ng dagdag presyo ang mga oil companies na P0.80 sa kada litro ng Gasolina, P0.65 sa kada litro ng Diesel at P0.70 sa kada litro ng Kerosene.

Read more...