Mahigit 1,600 na tauhan ng Coast Guard ipinakalat para sa “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2020”

Aabot na sa 1,664 na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakatalaga sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Sa ilalim ito ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2020” ng Coast Guard.

Umabot na sa 247 na mga barko at 388 motorbancas ang naisailalim sa inspeksyon.

Nakapagtala din ng 6,637 nna outbound passengers at 5,838 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan at waterways sa bansa.

Pinakamaraming bumiyahe sa National Capital Region (NCR) kung saan ang outbound passengers ay umabot sa 1,665 habang ang inbound passengers ay1,594.

 

 

 

 

 

Read more...