Celebrity fortune-teller na si Madam Auring pumanaw na sa edad na 80

Pumanaw sa edad na 80 ang celebrity fortune-teller na si Madam Auring sa edad na 80.

Kinumpirma ito ng apo ni Madam Auring na si Daryl Simon Pecson sa pamamagitan ng Facebook post.

Sa kaniyang post nagpasalamat si Pecson sa kaniyang lola na aniya ay patuloy na nagsumikap para sa kanilang pamilya sa kabila ng edad nito.

Hindi naman binanggit ni Pecson ang dahilan ng pagkamatay ni Madam Auring.

 

 

 

 

Read more...