BREAKING: PBA games suspendido simula ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 01:41 PM
Inquirer photo

Suspendido simula ngayong araw ang mga games ng PBA sa ilalim ng kanilang PBA Bubble.

Sa pahayag ng PBA, ito ay bilang pagtugon sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force-EID Technical Working Group at DOH Advisory Group of Experts.

Layunin tin nitong matiyak ang integridad at kaligtasan sa PBA Bubble.

Ayon sa PBA, ang suspensyon ay magsisimula ngayong araw, Oct. 30 hanggang sa mailatag ang bagong protocols na ipapanukala ng IATF at ng DOH.

“The league is postponing the games starting TODAY, October 30 until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place,” nakasaad sa pahayag.

Kasabay nito ay nagpasalamat ang PBA sa IATF, DOH at Clark Development Corporation (CDC) sa suporta sa liga.

 

 

 

TAGS: COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PBA, PBA Bubble suspension, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PBA, PBA Bubble suspension, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.