Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,506 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Biyernes (October 30).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 905 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
20,958 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 643 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,618 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES