RCBC Jupiter branch, walang CCTV footage nang maganap ang money laundering

By Kathleen Betina Aenlle March 15, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Misteryosong hindi maayos ang closed-circuit television (CCTV) system ng Jupiter St., Makati City branch ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa mismong araw kung kailan nakalusot ang $81 million na laundered money sa nasabing bangko, hanggang sa araw na halos lahat ng ito ay mailipat na sa ibang bangko at mga casino.

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona III na chairman ng Senate blue ribbon committee, kahina-hinala naman na ganoon ang nangyari sa CCTV system ng RCBC.

Ito ang sinabi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa nasabing kumite ng Senado, dahil ito rin ang nalaman nila mula sa branch ng RCBC nang hingan nila ito ng footage noong February 5 kung kailan naipasok sa apat na accounts ang $81 million na dirty money.

Partikular na nais makita ng AMLC ang mga transaksyon noong Feb. 5 sa mga bank accounts nina Michael Cruz, Jessie Christopher Lagrosa, Alfred Vergara, Enrico Vasquez at Willam So Go.

Isa sanang napakahalagang bahagi ng imbestigasyon ang CCTV footage, ngunit ayon sa sinabi ni RCBC head of antimoney laundering department Laurinda Rogero sa AMLC, nasira ang kanilang CCTV noong January 8, pinaayos noong January 26 hanggang 27, ngunit muling nasira dakong alas-6 ng gabi ng February 4, isang araw bago maganap ang money laundering.

Ani pa Rogero, February 9 na sila muling pinuntahan ng mag-aayos ng CCTV, at sinabing ang UPS o uninterruptible power supply ang may problema at hindi ang mismong CCTV.

Dagdag ni Rogero, kahina-hinala rin para sa kanila ang timing ng pagkasira ng CCTV kaya minabuti nilang pa-imbestigahan ito dahil hinala nila, tampered na ang mga CCTV.

Samantala, aalamin naman sa blue ribbon committee ngayon kung ano na ang nangyari sa $81 million at kung sino ang mga dapat managot.

Kabilang sa mga itatanong ni Guingona mamaya ay kung paano nakapasok sa bangko ang ganoong kalaking pera, at kung paano ito nai-withdraw ng walang kaukulang clearance mula sa bangko.

Ngayong araw na rin nakatakdang magkaharap sa wakas si RCBC president and CEO Lorenzo Tan at RCBC Jupiter branch manager Maia Deguito na pawang mga nagtuturuan kung sino dapat ang sisishin sa malakihang money laundering na nailusot sa kanilang bangko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.