Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Quinta umakyat na sa 22

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 01:03 PM

Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa sa bansa ng Typhoon Quinta.

Sa upate mula sa National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), maliban sa 22 na nasawi, mayroong 39 pa na naitalang sugatan at apat pa ang nawawala.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nakapagtala ng 66 insidente ng pagbaha, 22 insidente ng landslides, 6 maritime incident at 1 storm surge.

Umabot naman na sa 176,532 na pamilya o 775,513 na katao ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 3, 4A, 4B, V, VI, VII at VIII.

Sa nasabing bilang, 2,206 na pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, NDRRMC, News in the Philippines, Pagasa, QuintaPH, QuintaPH aftermath, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, NDRRMC, News in the Philippines, Pagasa, QuintaPH, QuintaPH aftermath, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.