Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng mahigit 20,000 pa

Umabot na sa 1,186,209 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo mula sa 1,164,227 na datos kahapon.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 234,177.

Umabot naman na sa mahigit 159,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 121,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 90,000.

Umabot naman na sa mahigit 32.9 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 11.1 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 234,177
Brazil – 159,033
India – 121,131
Mexico – 90,773
UK –45,955
Italy – 38,122
Spain – 35,639
France – 36,020
Peru – 34,362
Iran – 34,113

 

 

Read more...