Anti-corruption investigation ng DOJ welcome sa BIR
Welcome sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang gagawing hakbang ng Department of Justice (DOJ) na isama sa malawakang anti-corruption investigation.
Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, magandang hakbang ito para tuluyang mawalis ang mga bugok na empleyado na patuloy na nangungurakot.
Tiniyak pa ni Dulay na nakahanda ang BIR na makipagtulungan sa DOJ.
Hindi maikakaila ayon kay Dulay na bagaman may ginagawang hakbang na ngayon ang BIR para labanan ang korapsyon, may mga empleyado pa rin na natutukso na gumawa ng kalokohan.
Gayunman, sinabi ni Dulay na naging maganda naman ang performance ng BIR sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Katunayan, tumaas ng 75 percent ang total government revenues.
Sa taong 2019, nakakolekta aniya ang BIR ng 2.0 trilyong piso para matamaan ng 93 percent na target collection.
Bagaman may pandemya ngayong 2020 dahil sa COVID-19, tuloy pa rin aniya ang trabaho ng BIR at pangongolekta ng buwis.
Dahil sa magandang performance, pinuri na aniya ng Office of the President ang BIR.
Nakatanggap din aniya ang BIR ng papuri mula sa 8888 Citizens’ Complaint Center dahil sa pagbibigay aksyon sa 804 na reklamo.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa lahat ng tanggapan ng gobyerno dahil talamak pa rin ang koruopsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.