Pangako ni Pangulong Duterte sa Red Cross na babayaran ang utang isang sovereign guarantee ayon sa Malakanyang
Sovereign guarantee ang ibinibigay na garantiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Red Cross na babayaran ang kalahating bilyong pisong utang ng Philhealth para sa COVID-19 swab test sa mga umuuwing overseas Filipino workers.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, galing aing mismo sa bibig ni Pangulong Duterte ang pangakong babayaran ang utang.
“…patuloy naman po ang pag-uusap sa panig ng PhilHealth at ng Red Cross. Nagbayad nga po, kagaya ng pinangako ng PhilHealth at ng Office of the Executive Secretary ng kalahati doon sa sinisingil ng Red Cross. At kampante naman po tayo na since, it was no less than the President that said that the Philippine government will pay, eh ano pa ba ho ang hihingin pa ng PRC,” ayon kay Roque.
Wala aniyang nakikitang rason ang palasyo para hindi ituloy ang pagsasagawa ng swab test sa mga OFW.
Habang tagilid pa ngayon ang kasunduan sa pagitan ng Philhealth at Red Cross, gumagawa na ng hakbang ang pamaahalaan para hindi maantala ang pag uwi ng nga OFW.
Halimbawa na aniya ang pagsasagawa ng swab test ng project ark sa labing isang laboratories at ang isang pribadong testing center sa airport, na ang Philippine Airport Diagnostic Lab.
Matatandaang umabot sa mahigit isang bilyon ang utang ng PhilHealth sa Red Cross kung saan kalahating bilyon pa lamang ang nababayaran nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.