Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ngayong Biyernes, Oct. 30 ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,100 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hangingaabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na
15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, ang mata ng bagyong Rolly ay tatama sa Aurora-Quezon area sa Linggo ng gabi o sa Lunes ng umaga.
Ngayon araw ay magtataas na ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang lalawigan sa Bicol Region.
Ayon sa PAGASA, ang trough ng Typhoon Rolly ay naghahatid na ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.
Simula bukas, araw ng Sabado o kaya ay sa Linggo, magdudulot na ito ng heavy to intense rains sa Northern at Central Luzon at sa Bicol Region.