Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., natanggap na niya ang Presidential Directive no. 2020-196 na nag-aatas sa DFA na imbestigahan ang umano ay pang-aabuso ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Sinabi ni Locsin na sa loob ng 15 araw ay kailangan nilang magsumite ng report sa Presidential Management Staff.
Ito ang dahilan ayon kay Locsin kaya agad siyang bumuo ng Fact-Finding Team para sa imbestigasyon.
Ang team ay pamumunuan nina Consul General Ezzedin H. Tago, (Sydney PCG); Jaime B. Ledda CM1; Narciso T. Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos.
Nagpapatuloy na ayon kay Locsin ang administrative proceeding.
Ang report sa Preliminary Investigation ng HRMO ng DFA ay isusumite kay Locsin.