DFA binigyan lang ng 15 araw ng Malakanyang sa imbestigasyon kay PH Ambassador to Brazil Marichu Mauro

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 10:56 AM

Binigyan lamang ng labinglimang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) para mag-ulat sa imbestigasyon sa ambassador ng Pilipinas sa Brazil na nanakit ng kasambahay.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., natanggap na niya ang Presidential Directive no. 2020-196 na nag-aatas sa DFA na imbestigahan ang umano ay pang-aabuso ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Sinabi ni Locsin na sa loob ng 15 araw ay kailangan nilang magsumite ng report sa Presidential Management Staff.

Ito ang dahilan ayon kay Locsin kaya agad siyang bumuo ng Fact-Finding Team para sa imbestigasyon.

Ang team ay pamumunuan nina Consul General Ezzedin H. Tago, (Sydney PCG); Jaime B. Ledda CM1; Narciso T. Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos.

Nagpapatuloy na ayon kay Locsin ang administrative proceeding.

Ang report sa Preliminary Investigation ng HRMO ng DFA ay isusumite kay Locsin.

 

 

TAGS: DFA, Inquirer News, Marichu Mauro, News in the Philippines, Philippine Ambassador to Brazil, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DFA, Inquirer News, Marichu Mauro, News in the Philippines, Philippine Ambassador to Brazil, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.