All Soul’s Day online prayer gathering ikakasa ni Sen. Hontiveros at Church leaders
Dahil sarado ang maraming libingan para sana sa paggunita ng Araw ng mga Patay, magkakaroon na lang ng All Soul’s Day online prayer gathering, sabi ni Senator Risa Hontiveros.
Ayon kay Hontiveros ang “Liwanag at Lingap ng Pag-Asa: Panalangin para sa mga Pumanaw at Kagalingan mula sa COVID 19,” ay para sa mga lubos na apektado ng kasalukuyang pandemiya.
Layon din aniya nito na bigyan pag-asa at palakasin ang loob ng mga COVID 19 patients gayundin ng mga nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa sakit.
“Prayer is the most powerful weapon we have in this seemingly endless battle with COVID 19. As people of faith, we turn to God in times of uncertainties,” sabi ng senadora.
Sinabi pa nito ang makikiisa sa online prayer gathering na sisimulan alas-2 ng hapon sa Nobyembre 2, ay magsisindi lang ng kandila at ipagdarasal ang paggaling ng mga pasyente at kaluluwa ng mga namatay dahil sa COVID 19.
Makakasama sa pagdarasal sina Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, Kalookan Bishop at CBCP Vice President Pablo Virgilio David, Kalookan Bishop Emeritus at Kilusang Makabansang Ekonomiya Co-Chair Deogracias Iñiguez, De La Salle Philippines Br. Armin Luistro, FSC; at ang Association of Major Religious Superior of the Philippines-Women.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.