Fixers sa pagpapakabit ng RIFD sa tollways pinuna ni Sen. Bong Revilla

By Jan Escosio October 30, 2020 - 09:47 AM

Nagpasalamat naman si Senator Ramon Revilla Jr., sa pagpapalawig ng tollway operators sa deadline ng pagpapakabit ng kanilang radio frequency ID o RFID.

Ngunit ayon kay Revilla mababalewala pa rin ang extension kung hindi aayusin ng tollway ang kanilang sistema na nagdudulot ng kaguhulan sa mga motorista.

Ayon sa senador patuloy siyang nakakatanggap ng mga reklamo at marami sa mga ito ang nagsabi na tila hindi napaghandaan ng tollway operators ang paglipat sa cashless transaction sa pamamagitan ng RFID.

Isa din sa inirereklamo ang sinasabing kakulangan ng sticker kayat nagpatupad ng cut-off na 100 stickers lang kada araw sa mga installation centers.

Ngunit sinabi ni Revilla na may mga sumbong sa kanya na may mga fixers na rin na nag-aalok ng kabit-sticker sa halagang P250 gayun ang dapat bayaran lang ay P100 para sa consumable load.

Nagtataka ang senador dahil ang mga fixer ay tila unlimited ang RFID sticker ngunit nauubusan ang mismong operators.

 

 

TAGS: Bong Revilla, dotr, FRID Stickers, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bong Revilla, dotr, FRID Stickers, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.