LOOK: Night heron natagpuang patay at nakasabit sa lubid ng sarangola sa UP

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 08:55 AM

Isang night heron ang nakitang patay at nakasabit sa tali ng saranggola sa University of the Philippines, Diliman.

Batay sa larawang kula ni Michael Magtoto na ibinahagi ng Facebook page ng “The UP Wild”, ang bahagi ng pakpak ng ibon ay nabuhol sa tali ng saranggola.

Nakita ang patay na ibon malapit sa lagoon area ng UP Diliman.

“The heron’s feathers got caught and caused its death. Poor bird.” ayon sa UP Wild.

Dahil sa nangyari, pinaalalahanan ng UP Wild ang publiko na maging responsable sa mga aksyon para hindi na maulit ang mga insidente na nagdudulot ng pinsala sa wildlife at kalikasan.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, kite, News in the Philippines, night heron, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, up, wildlife, Inquirer News, kite, News in the Philippines, night heron, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, up, wildlife

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.