Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales October 30, 2020 - 07:30 AM

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 200.37 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (October 30) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 200.15 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.18 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.99 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.20 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.18 meters.

Ang water level ng San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Samantala,patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

 

 

TAGS: dam status, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.