Miyembro ng Abu Sayyaf Group nasawi sa engkwentro sa Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 06:22 AM

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos maka-engkwentro ang mga sundalo sa Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. ang nasawing rebelde ay kinilalang si alyas Botak.

Si Botak at tagasunod ni ASG sub-leader Furuji Indama.

Ani Vinluan, nagkaroon ng engkwentro sa Barangay Felang sa Ungkaya Pukan na tumagal ng limang minuto.

Lulan ng motorsiklo ang rebelde kasama ang dalawang iba pa nang sila ay maharang sa ng mga tauhan ng 101st Infantry Brigade at 18th Infantry Battalion.

Pero sa halip na huminto ay nagpaputok ang tatlo.

Matapos ang palitan ng putok ay na-recover ng mga sundalo ang katawan ng rebelde, M-60 machine gun at motorisiklong ginamit.

 

 

 

TAGS: abu sayyaf group, Basilan, encounter, Inquirer News, military, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ungkaya Pukan, abu sayyaf group, Basilan, encounter, Inquirer News, military, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ungkaya Pukan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.