MRT-3 walang biyahe simula bukas, Oct. 31 hanggang sa Nov. 2
Magpapatupad ng temporary shutdown sa operasyon ng MRT-3 simula bukas October 31 hanggang sa November 2.
Ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
Parte ng gagawing bushing replacement ang pagsasayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.
Itutuloy din ang pagsasaayos at pagpapalit ng mga turnouts sa Taft Avenue station.
Noong October 10 at 11, naiayos na ang bahagi ng turnouts at umabot na sa 91% ang completion rate nito.
Ang mga turnout ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.