Globe naglagay ng “libreng tawag”, charging at WiFi stations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo sa Marinduque at Oriental Mindoro
By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2020 - 05:40 AM
Nagtayo ng Libreng Tawag, Charging at WiFi stations ang Globe sa mga lugar sa Marinduque at Oriental Mindoro na nasalanta ng Typhoon Quinta.
Ang Globe stations ay matatagpuan sa Santa Cruz, Marinduque; Torrijos, Marinduque at sa Pola, Oriental Mindoro.
Layon nitong matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Quinta at nawalan ng kuryente.
Maaring maki-charge at makigamit ng WiFi ng libre sa nasabing Globe Stations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.