Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (October 29, 3:00 PM) nakapagtala ng 602 na bagong kaso kaya pumalo na sa 52,956 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 14,580
Laguna – 14,911
Batangas -9,244
Rizal – 10,641
Quezon – 3,580
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 8,115.
Nasa 43,444 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 1,574 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 11,651
Laguna – 13,156
Batangas – 7,949
Rizal – 8,183
Quezon – 2,505
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 26 kaya umabot na sa 1,397 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 377
Laguna – 308
Batangas – 253
Rizal – 353
Quezon – 106
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay