Video ng umano’y pulis na nananakit ng motorista, viral sa social media

By Jay Dones March 15, 2016 - 04:24 AM

 

Mula sa FB/Hayley Catacutan

Sikat na naman sa social media ang isa umanong pulis makaraang mahuli sa aktong sinisinghalan at binabatukan pa ang isang motorista sa Maynila.

Sa video na in-upload ng Facebook user na si Hayley Catacutan, na-timingan nila ang eksena sa may bahagi ng Luneta Park sa Maynila dakong alas- 3 ng hapon.

Makikita sa video ang isang lalake na naka ‘tuck-out’ na PNP Patrol uniform na sinisinghalan ang isang lalakeng nakasuot ng helmet habang lulan ng kanyang motorsiklo.

Sa kasagsagan ng mainitang diskusyon ng hindi nakilalang pulis at motorista, makikitang bigla na lamang ‘sinampal’ o binatukan ng umano’y pulis ang motorist na tinamaan sa kanyang helmet habang ito ay tumatabi sa kalsada.

Tila hindi pa nakuntento, muling sumakay sa kanyang AUV na may plakang UEQ-399 ang pulis at hinarang ang motorista at muli itong kinompronta.

Dito na nagtapos ang video na kuha ni Catacutan.

Ayon sa ilang mga nag-komento sa video, bagama’t hindi malinaw ang pinagmulan ng mainitang diskusyon ng dalawa, walang karapatan ang isang alagad ng batas na pagbuhatan ng kamay ang isang sibilyan.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit na libong ‘like at unlike’ na ang inaani ng naturang video at nai-share na ito ng mahigit 2 libong ulit.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.