Curfew violator, inireklamo ang isang pulis ng rape sa police station

By Jan Escosio October 30, 2020 - 12:21 AM

Agad sinibak sa puwesto ang isang tinyente ng PNP matapos akusahan ng panggagahasa ng isang babaeng hinuli dahil sa paglabag sa curfew sa San Miguel, Bulacan.

Sinabi ni Central Luzon police director, Police Brig. Gen. Val de Leon na agad niyang pinatanggal sa puwesto si Lt. Jimmy Fegcan mula sa isang unit ng lokal na pulisya nang malaman niya na may sinumpaang-salaysay na ang 24-anyos na biktima.

Base sa impormasyon, dinala ni Fegcan ang babae sa kanyang kuwarto sa istasyon ng pulisya at doon na umano niya ito pinagsamantalahan.

Naisampa na rin ang kasong paglabag sa Anti-Rape Law laban kay Fegcan na nakakulong na rin sa kulungan ng istasyon ng pulisya.

Pagdidiin ni de Leon hindi niya kukunsintihin ang kalokohan ng kanyang mga pulis kayat agad siyang umaksyon ng malaman ang pangyayari.

TAGS: Brig. Gen. Val de Leon, Central Luzon police, curfew violator rape case, Inquirer News, Lt. Jimmy Fegcan, Lt. Jimmy Fegcan rape case, Radyo Inquirer news, rape case in Bulacan, rape case involving police, Brig. Gen. Val de Leon, Central Luzon police, curfew violator rape case, Inquirer News, Lt. Jimmy Fegcan, Lt. Jimmy Fegcan rape case, Radyo Inquirer news, rape case in Bulacan, rape case involving police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.