Unang talo ng Tropang Giga, ipinatikim ng NLEX

By Jan Escosio October 30, 2020 - 12:16 AM
Inquirer photo

Nagliwanag ang pag-asa ng NLEX na makapasok sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup nang talunin ang Talk ‘n Text, 109-98.

Nalasap man ng TnT ang kanilang unang talo, nanatili pa rin sila sa ibabaw ng team standings, 5-1.

Naputol ng NLEX ang kanilang dalawang sunod na talo, 2-5.

Tinanghal na ‘Best Player of the Game’ si Kevin Alas sa kanyang 24 puntos, ngunit malaki rin ang ambag sa panalo ng Road Warriors ang 19 puntos, kabilang ang limang three-points, ni Jericho Cruz.

Ilan sa mga naipasok na tres ni Cruz ay nangyari sa paghahabol ng Tropang Giga.

Huling nagbanta ang TnT sa loob ng dalawang minuto sa paggawa ng apat na puntos mula sa dalawang steals bunga ng kanilang backcourt pressure defense para lumapit 101-96.

Ngunit, nagpasok ng tres si Kiefer Ravena at sa huling 20 segundo ng laro ay nagkagitgitan pa sa rebound sina JR Quinahan at Ray Ray Parks at kapwa sila tinawagan ng flagrant foul 1.

Si Jayson Castro naman ang bumandera sa Tropang Giga sa kanyang 27 puntos.

TAGS: 2020 PBA Philippine Cup, Inquirer News, NLEX Road Warriors, PBA bubbles, Radyo Inquirer news, Talk N Text, 2020 PBA Philippine Cup, Inquirer News, NLEX Road Warriors, PBA bubbles, Radyo Inquirer news, Talk N Text

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.