COVID-19 recoveries sa Navotas City, halos 4,900 na

Nasa lima ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (October 29), umakyat na sa kabuuang 5,130 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 84 ang aktibong kaso o katumbas ng 1.6 porsyento.

Siyam naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,899 na ang total recoveries o 95.5 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 147 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...