Sen. Cayetano, may agam-agam sa pagbabalik sa training ng student-athletes

By Jan Escosio October 29, 2020 - 11:11 PM

Nagpahayag ng kanyang pangamba si Senator Pia Cayetano sa sinasabing pagpapabalik-training ng mga student-athletes ng mga kolehiyo at unibersidad sa kabila ng pandemiya dala ng COVID-19.

Sa pahayag ni Cayetano, sinabi nito na ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ang dapat maging prayoridad pa rin ng mga institusyon base sa Student-Athletes Protection Act.

Duda rin ang senadora kung may sapat na kakayahan ang mga paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyanteng atleta kung sila ay magbabalik sa kanilang trainings.

Ibinahagi ni Cayetano na siya ay dating student-athlete at naging miyembro pa ng national women’s volleyball team, bukod diyan may dalawang anak siya na kapwa atleta rin at ipinagdidiinan niya na mas mahalaga pa rin ang edukasyon.

“Are the schools prepared to spend for the bubbles, the isolated quarters, and the regular testing, in addition to the usual training expenses? From my own experience as a soccer mom, many schools cannot even ensure a sufficient budget for the medical expenses incurred by their student-athletes. How will they take on the full responsibility of securing the welfare of student-athletes, many of whom are below 21 years old, if they get mass infected by the virus?,” tanong pa ni Cayetano.

Diin din nito, maraming paraan naman para manatiling ‘mentally and physically fit’ ang mga student-athletes.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Pia Cayetano, Student-Athletes Protection Act, student-athletes training, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Pia Cayetano, Student-Athletes Protection Act, student-athletes training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.