476 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 29, 2020 - 09:17 PM

Umabot sa 476 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (October 28), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (October 29).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 283 kung saan 169 ang adult habang 114 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 175.

Dalawa naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, lima ang naninigarilyo habang siyam sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.