1 patay, 1 sugatan sa bakbakan ng Marines at BIFF sa Maguindanao

March 15, 2016 - 04:11 AM

 

maguindanaoPatay ang isang sundalong Marine habang isa pa ang sugatan sa pakikipag-bakbakan sa mga rebeldeng Moro sa Maguindanao, Lunes ng gabi.

Ayon sa isang source mula sa militar, isang grupo ng mga Marines ang biglaang pinaputukan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Tee sa bayan ng Datu Salibu, dakong alas-7:30 ng gabi.

Tumagal ng ilang oras ang palitan ng putok na nauwi sa pagkamatay at pagka-sugat ng ilan mula sa mga tropa ng pamahalaan.

Base sa mga inisyal na ulat, may mga nasugatan rin sa panig ng mga BIFF.

Kinumpirma ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama ang nasabing engkwentro, at sinabi pang patuloy na lulusubin ng rebeldeng grupo ang mga militar sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.